Q1 CARES

Empowering the Future: A School Symposium in Gen. Luna National High School (February 20, 2025).

Sa pagpapatuloy ng kooperatiba na makapagbigay ng ibayong kaalaman at kamalayan sa mga mag-aaral, isinagawa ngayong araw ang school symposium sa General Luna National High School , General Luna Quezon na dinaluhan ng humigit kumulang 60 na mag aaral.

Naging tagapagsalita si Engr. John-John Z. Pernia at Ms. Mayrish Sangalang sa nasabing symposium na tinalakay ang mga mahahalagang impormasyon tulad ng kasaysayan, mga programa at kahalagahan ng elektripikasyon sa mamamayan. Nagbahagi din ng pananalita si Area Manager Nancy Dionco sa mga mag aaral sa mga mahahalagang impormasyon na matatanggap ng mga mag – aaral bilang sila ang magiging “future member-consumer” ng kooperatiba.

Bakas sa mga mukha ng mga mag aaral ang kasiyahan sa isinagawang symposium lalo na sa parteng Question and Answer kung saan aktibong nagpamalas ng katalinuhan ang mga mag-aaral. Malaking tulong ang pagsasagawa ng symposium na ito sa mga mag-aaral upang mapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa elektripikasyon.

For complete details, kindly see Quezelco 1 Official Facebook Page (Quezelco 1 – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. )

Quezelco 1, Overall Champion - 1st Regional Warriors of Light Summit 2025: Linemen Rodeo Competition (February 7, 2025).

Naghatid ng karangalan ang Warriors of Light ng QUEZELCO I sa katatapos na kompetisyon ng lakas, kasanayan, at pagtutulungan ng mga electric cooperatives sa Region IV-A. Ang 2025 Regional Warriors of Light Summit Linemen Rodeo Competition ay ginanap sa Batangas 1 Electric Cooperative, Inc. (BATELEC I) noong Pebrero 7, 2025. Ang Region IV-A ay binubuo ng mga electric cooperatives ng QUEZELCO I, FLECO, BATELEC I, BATELEC II, at QUEZELCO II.

Matapos ang matinding kompetisyon, nangibabaw ang QUEZELCO I at itinanghal na OVERALL CHAMPION. Ipinamalas ng mga linemen ng QUEZELCO I ang kanilang kahusayan at dedikasyon sa pamamagitan ng pagkapanalo sa mga sumusunod na kategorya sa 2025 Linemen’s Rodeo:

🥇 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 – Pole Climbing
🥇 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 – Conductor Riding Relay
🥇 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 – Pole Dressing
🥇 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻- Pole Undressing
🥇 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 – Spine Board Bandaging
🥈 𝟮𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – Knot Tying
🥈 𝟮𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – Rodeo King (Raymond Baloloy)
🥇 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗔𝗟𝗟 𝗖𝗛𝗔𝗠𝗣𝗜𝗢𝗡- QUEZELCO I

Ang magigiting na linemen ng QUEZELCO I ay sumailalim sa masusing pagsasanay na nakatutok sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan, kaalaman, at pisikal na katatagan. Ito ay sa ilalim ng gabay ng Rodeo Training Team ng kooperatiba, sa pamumuno ni Engr. Rodersan Ponce, ATMEC Region IV President, at Engr. Gerald Bautista, katuwang ang mga engineers at Area Foreman, kabilang sina Foreman Ricardo Bagnizal at Foreman Peter Lorenzana, at sa buong suporta ni AGM Victor Cada at ng Board of Directors, naipamalas ng mga line workers ang kanilang kakayahan sa kompetisyon.

Dahil sa tagumpay na ito, ang QUEZELCO I ay magrerepresenta sa Luzon-Wide Rodeo Competition ngayong 2025 
bilang kinatawan ng Region IV-A. 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, 𝗤𝗨𝗘𝗭𝗘𝗟𝗖𝗢 𝗜 𝗪𝗮𝗿𝗿𝗶𝗼𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗟𝗶𝗴𝗵𝘁!𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁! ⚡️

For complete details, kindly see Quezelco 1 Official Facebook Page (Quezelco 1 – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. )

Enhances Financial Efficiency with Refresher Course on Invoicing and Collection Procedures (January 29, 2025).

To enhance efficiency and accuracy in financial transactions, QUEZELCO I conducted a Refresher Course on the New Invoicing System and Collection Receipt Procedures. The training was attended by tellers/bill custodians, auditors and area managers, ensuring that key personnel handling financial transactions are well-equipped with updated processes.

AGM Victor R. Cada delivered a message, highlighting the significance of continuous training to maintain operational efficiency and uphold the cooperative’s commitment to service excellence. The activity was spearheaded by QUEZELCO I’s Financial Department, led by Ms. Magene R. Grefalda, who emphasized the importance of maintaining accurate and transparent financial records.

Mr. Karl Salem, from Corporate Planning (Corplan) Department, also provided an in-depth discussion on the invoicing system, valuable insights and addressing concerns to further streamline financial operations. Personnel engaged in discussions and system demonstrations to reinforce their understanding of the updated procedures.

QUEZELCO I remains committed to improving its financial management processes, ensuring transparency, accuracy, and efficiency in serving its member-consumers-owners. This initiative is part of the cooperative’s continuous effort to enhance internal capabilities and deliver better, more reliable services to the community.

For complete details, kindly see Quezelco 1 Official Facebook Page (Quezelco 1 – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. )

Strengthen Strategic Alignment - Integrating Balanced Scorecards with Performance Evaluation System (January 27 - 28, 2025).

QUEZELCO 1 recently concluded a productive two-day workshop centered on Integrating the Balanced Scorecard with its Performance Evaluation System, marking a significant step towards improving organizational efficiency and aligning performance goals across all departments.

The workshop brought together key department heads and staff to explore how the Balanced Scorecard framework can be seamlessly incorporated into the cooperative’s existing performance evaluation processes. The workshop covered various strategies for measuring and monitoring performance, ensuring that the employees and departmental contributions align with the broader goals of QUEZELCO 1.

AGM Victor R. Cada emphasized the importance of aligning strategic goals with measurable outcomes to ensure long-term success. He said that this will allow the cooperative to better track the progress, identify areas for improvement, and ensure that the goals are met across all levels of the organization. BOD President Leovigildo L. Leopando stated that this balanced scorecard will help the cooperative to align the efforts with the mission and vision, ensuring the continuity to serve the members with efficiency and excellence.

Throughout the workshop, QUEZELCO 1’s key department heads and staff engaged in a series of presentations and discussions, focusing on key strategies to measure performance, set clear goals, and develop specific key performance indicators (KPIs) for each department. The cooperative plans to conduct follow-up workshops at the departmental level to refine these scorecards and ensure that individual contributions align with organizational objectives. QUEZELCO 1 remains dedicated to driving sustainable growth and continuous improvement, with these strategic initiatives playing a pivotal role in shaping the cooperative’s future.

For complete details, kindly see Quezelco 1 Official Facebook Page (Quezelco 1 – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. )

BAPA Meter Reading and Billing System (MRBS) Orientation and Training (January 20, 2025)

Isinagawa ngayong araw ang orientation at training para sa mga Barangay Power Association (BAPA) meter readers sa bayan ng Macalelon, Quezon. Ang Meter Reading and Billing System (MRBS) ay isang epektibong sistema na layuning mapabilis ang proseso ng pagkuha ng meter readings at pagpapadala ng billing statements sa mga konsyumer.

Ang training ay pinangunahan ni Engr. Obadiah Camacho, BAPA & Power Use Head, at mga Bapa Officers at IT ng kooperatiba. Sa pagsasanay, tinuruan ang mga BAPA meter readers kung paano gamitin ang mga android cellphone at portable printers na bahagi ng sistema. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, magagamit ng mga BAPA meter readers ang mga modernong kagamitan upang mabilis at tiyak na makuha ang mga kWh meter readings, at agad na maibigay ang statement of account sa mga konsyumer.

For complete details, kindly see Quezelco 1 Official Facebook Page (Quezelco 1 – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. )

"Baking a Brighter Future, Quezelco I provides income for PDLs in Gumaca, Quezon" (January 15, 2025).

Bilang pagsuporta ng kooperatiba na makapagbigay ng oportunidad para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa kanilang pang araw-araw na buhay, personal na binisita ni AGM Victor Cada, BOD Pres. Leovigildo L. Leopando at iba pang mga kawani ngayong araw, ika-15 ng Enero 2025, ang mga PDL ng BJMP Gumaca upang kumustahin ang kasalukuyang sitwasyon ng bakery livelihood program na bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng QUEZELCO 1. Naghandog ng kumpletong bakery equipment at iba pang mga karagdagang kagamitan sa pagbi-bake ang QUEZELCO 1 sa PDL ng BJMP Gumaca noong Disyembre 2023.

Malaking tulong ang proyektong ito sa pagpapalawak ng kasanayan ng mga PDL sa paggawa ng tinapay at sa pagbibigay ng karagdagang kabuhayan. Masayang ibinahagi ni PJInsp. Antonio Gayagaya na ang mga tinapay na ginagawa ng mga PDL ay naibebenta sa mga kalapit na paaralan at komunidad, na nagdadala ng dagdag na kita at nagtataguyod ng kanilang pagtutulungan. Ang programang ito ay isang malaking hakbang tungo sa kanilang mas maliwanag na kinabukasan at mas produktibong pamumuhay.

For complete details, kindly see Quezelco 1 Official Facebook Page (Quezelco 1 – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. )

CHARGING UP THE NEXT GENERATION: A School Symposium in Amontay National High School, Pitogo, Quezon (January 14, 2025)

Naghatid ng kaalaman at kasiyahan ang QUEZELCO 1 sa mga mag-aaral ng Amontay National High School sa bayan ng Pitogo, Quezon ngayong araw, ika-14 ng Enero, 2025. Dinaluhan ito ng humigit-kumulang 120 na mag-aaral mula sa Grade 11 at kanilang mga guro.

Layunin ng symposium na ito na palawakin ang kaalaman ng kabataan sa kahalagahan ng elektrisidad sa araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng makabuluhang presentasyon, interactive na aktibidad, at mahahalagang impormasyon, mas naunawaan ng mga mag-aaral ang kasaysayan at mga programa ng kooperatiba. Pinangunahan nina Engr. John-John Z. Pernia at Engr. Obadiah Camacho ang naging talakayan.

ampok din ang Question and Answer segment kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at pag-unawa sa mga tinalakay. Lubos na nagpapasalamat si Ms. Maria Teresa Borja, OIC ng paaralan, sa natutunan ng mga mag-aaral tungkol sa elektripikasyon. Sa pagtatapos ng symposium, umuwi ang mga mag-aaral na may bagong kaalaman at inspirasyon. Ang programang ito ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan ng Pitogo, Quezon.

For complete details, kindly see Quezelco 1 Official Facebook Page (Quezelco 1 – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. )