Q1 CARES

Pagsaludo sa sipag, tiyaga, dedikasyon at pagsasakripisyo, araw man o gabi, sa lahat ng pagkakataon ay nagpapatuloy ang ating mga warriors of light upang makapag bigay ng isang maaasahan at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa ating mga tahanan at establisyemento. Binibigyang pugay ang lahat ng mga sundalo ng pailaw, kung kaya’t ngayong araw ay naging espesyal ang pagdiriwang para sa kanila, sa unang bahagi ng programa ay nagkaroon ng misa pasasalamat para sa gabay at kaligtasan ng lahat. Sa ikalawang bahagi ay ang Rodeo Competion 2024 kung saan nagtagisan ang mga kupunan mula Main Office, Pacific Side at Bondoc Side sa pole climbing, knot tieng at conductor riding kung saan tinanghal na over-all champion ang Pacific Side Maintenance Crew. Sa ikatlong bahagi naman ng programa ay ang The Dancing Lineworker’s Competition, itinanghal na kampeon ang Engineering Department. At sa huling bahagi ay ang awarding ng certificates para sa ating mga lineworkers.

Sa lahat ng mga sundalo ng pailaw kayo ay maituturing na mga modern day heroes. Ang puso ng rural electrification movement, naghahatid ilaw at pag-asa. Maraming salamat Quezelco 1 warriors of Light at sa lahat ng mga lineman sa rural electrification movement mabuhay po tayong lahat!

15th National Electrification Awareness Month

Ang QUEZELCO 1 ay nakikiisa sa National Electrification Administration at sa mga electric cooperatives sa buong bansa para sa pagdiriwang ng ika-15 National Electrification Awareness Month. Sa tema nitong "ECs, Keep the Lights On", nanatiling buo ang dedikasyon ng lahat ng electric cooperative sa mandatong pagpapailaw sa buong kanayunan ng bansa o rural electrification program.

Ang Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. (QUEZELCO 1) ay naki-isa sa BRIGADA ESKWELA 2024 ng Department of Education (DepEd) na may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan”.
Isinasagawa ang taunang pakikiisa ng Kooperatiba sa Brigada Eskwela upang magbigay tulong at suporta sa mga paaralan sa nasasakupan ng Kooperatiba.
Sa ilalim ng Corporate Social Responsibility (CSR) program na QUEZELCO 1 Cares namahagi tayo simula July 22, 2024 ng ilang kagamitan sa eskwelahan sa mga napiling ekswelahan sa buong nasasakupan ng QUEZELCO 1, gayundin ay nagbigay tayo ng libreng inspection sa mga piling paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaral sa pagsisimula ng school year.

Ito ay munting handog ng ating Kooperatiba bilang suporta sa mga guro at mag-aaral bilang pakikiisa upang mas maging maayos at maganda ang bawat paaralan na magsisilbing pangalawang tahanan ng mga mag-aaral.

Bilang bahagi ng Quezelco 1 Program, isinagawa ng kooperatiba ang Corporate Social Responsibility (CSR) sa bayan ng Catanauan, Quezon noong ika-23 ng Hulyo, 2024. Nagbahagi ang kooperatiba ng tulong pinansyal para sa pagtatanim ng mga Arrow Root (Uraro) Seedlings sa Brgy. Matandang Sabang Kanluran, Catanauan Quezon. Isinagawa ito sa pangunguna ng District Director ng Catanauan, Dir. Bienvenido Morada, MS Manager John-John Z. Pernia at Area Manager Teresa Morales. Dumalo din sa nasabing aktibidad ang bumubuo ng Sangguniang Bayan ng Catanauan na pinangunahan ng Dist. Councilor ng Matandang Sabang Kanluran Konsehal Tony Avila at dating director Kons. Godofredo Orfanel na nagpahayag ng pasasalamat at pagsuporta sa kooperatiba sa pagbibigay ng programa na makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng barangay.

 

Dir. Bienvenido Morada

Ayon kay Dir. Morada, layunin ng programang ito na maisulong ang sustainable development at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa bayan ng Catanauan. Buong pasasalamat ang ipinahayag ng barangay ng Matandang Sabang Kanluran sa pangunguna ni Brgy. Captain Donna Belarmino. Ang Quezelco 1 ay patuloy na nagsasagawa ng mga programa hindi lamang sa elektripikasyon pati na din sa iba pang aspeto na makakatulong sa ating mga MCOs.

Upang mas mapalalim at mapalawak ang kaalaman ng mga meter readers sa kanilang tungkulin, isinagawa kahapon, ika-22 ng Hulyo, 2024, ang Annual General Assembly ng Meter Readers Association ng QUEZELCO 1. Nagbahagi ng mensahe si AGM Victor R. Cada at BOD Pres. Leovigildo L. Leopando kung saan ibinahagi nila ang malaking gampanin ng mga meter readers sa pagpapanatili ng tamang operasyon at pagbibigay ng serbisyong may kalidad sa mga member-consumer-owners. Nagkaroon ng pagtatalakay sa mga paksa patungkol sa operasyon ng kooperatiba sa pangunguna ng mga department managers. Nagbahagi din ang pangulo ng mga meter readers na si Mr. John Vincent Camila ng kanyang karanasan sa kanyang trabaho na maaaring makatulong sa iba pang kasapi ng asosasyon at mga pamamaraan na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na trabaho.

Sa ikalawang bahagi ay nagkaroon ng election ng bagong officer kung saan naging bagong pangulo si Mr. Romel Figuerra ng Catanauan, Quezon. Sa kabuuan, ang aktibidad na ito ay naglalayong mapabuti ang serbisyo ng mga meter reader, palalimin ang kanilang kaalaman at kasanayan, at palakasin ang kanilang samahan upang makapaghatid ng mas mahusay na serbisyo sa kanilang mga konsumidores at komunidad.

Ang Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. (QUEZELCO 1) ay naki-isa sa BRIGADA ESKWELA 2024 ng Department of Education (DepEd) na may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan”.

Isinasagawa ang taunang pakikiisa ng Kooperatiba sa Brigada Eskwela upang magbigay ng tulong at suporta sa mga paaralan sa nasasakupan ng Kooperatiba.

Sa ilalim ng Corporate Social Responsibility (CSR) program na QUEZELCO 1 Cares namahagi tayo ngayong araw July 22, 2024 ng ilang kagamitan sa eskwelahan sa mga napiling ekswelahan sa District II- Pitogo na pinangunahan ni Dir. Nancy A. De Asis ay nabigyan ng mga sumusunod sa paaralan:

Ito ay munting handog ng ating Kooperatiba bilang suporta sa mga guro at mag-aaral bilang pakikiisa upang mas maging maayos at maganda ang bawat paaralan na magsisilbing pangalawang tahanan ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan nina Information Officer Terrence Jay Forbes at Romie Roman Bontoc kasama ang iba pang mga kawani mula Member Services Department (MSD) ay mas pinapalakas natin ang ating ugnayan sa mga barangay sa pamamagitan ng paglalapit ng serbisyo ng Kooperatiba sa kanila, kagaya na lamang ng paglilinis ng mga pangalan ng konsumedores, pagtanggap ng mga aplikasyon para sa senior citizen discount at life line rate discount. Ito ay tinaguriang one-stop shop kung saan hindi na kailangang pumunta sa opisina ang mga konsumedores upang makapag transaksyon sahalip ay dito na isinasagawa ang mahahalagang aplikasyon ng ating mga member-consumer-owners.
 
Nakiisa naman sa isinagawang aktibidad ang ating mga butihing District Director na sa tuwing may patawag ang sa barangay ng distritong nasasakupan ay aktibo silang dumadalo. Tamang kaalaman tungkol sa Kooperatiba ang layunin ng QUEZELCO 1 bilang ang mga MCOs ay kabalikat natin para sa katuparan ng mga proyekto at programa sa elektripikasyon.

Makikita rito ang ating mga susunod na schedule. Maraming salamat po.

 
 
Ipinahayag ni BOD Pres. Leovigildo Leopando ang kanyang
suporta upang magtatag ng isang mahusay na konseho ng pamamahala na maaaring magdala ng ilang mga pakinabang sa parehong electric cooperative at mga empleyado nito. Ang oryentasyon, na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa parehong sektor ng pamamahala at empleyado, ay naglalayong bigyan ang mga kalahok ng kaalaman at kasanayan na kinakailangan upang magtatag ng isang functional na LMC na magsisilbing plataporma para sa open communication, pakikipagtulungan, at paglutas ng problema sa pagitan ng paggawa at pamamahala. Nabuo din sa nasabing oryentasyon ang mga produktibong talakayan, pangunahing kasunduan at action plan.
 

Sa mga insight na nakuha mula sa oryentasyon, ang QUEZELCO I ay maayos na ang posisyon upang magtatag ng isang matagumpay na labor management cooperation sa pagpapaunlad ng kapaligiran sa trabaho, at pagtiyak ng patuloy na tagumpay ng kooperatiba.

Sa pagsasagawa ng proactive na hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan sa paggawa at mabuting pamamahala, ang QUEZELCO 1 ay lumahok sa isang Labor Management Cooperation (LMC) Orientation ngayong araw, Hulyo 18, 2024 sa Gumaca City Coast Hotel and Restaurant, Gumaca Quezon. Ang seminar/orientation ay pinangasiwaan nina Ms. Corazon Fegi, Ms. Cesiah Ana Betoy, G. Romwell Aguilar at G. Alejandro Cabilao mula sa National Concillation and Mediation Board, isang attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE). Nilagyan nila ang mga dadalo ng mga kinakailangang kasangkapan at pag-unawa upang mag-set up ng isang functional na LMC.

Ang QUEZELCO 1 ay nagsasagawa ng dalawang (2) araw na seminar sa RA 11976 na kilala rin bilang Ease of Paying Taxes (EOPT) at seminar-workshop on tellers reporting system noong nakaraang Hulyo 15-16, 2024 sa Gumaca Diocesan Pastoral Formation Center, Gumaca, Quezon. Ito ay nilahukan ng hindi bababa sa 79 na empleyado ng QUEZELCO 1 kabilang ang mga teller, bill custodian, area manager at department manager.
Ang dalawang araw na seminar ay inorganisa ng Finance Department sa pamumuno ng kanilang Finance Manager na si Ms. Magene Grefalda, CPA bilang suporta kay Acting General Manager Engr. Victor R. Cada at Board of Directors thru BOD President Dir. Leovigildo L. Leopando, MD.

Ang seminar ay naglalayong tiyakin na ang lahat ng mga kalahok ay may sapat na kaalaman tungkol sa mga probisyon ng EOPT Act, ang epekto nito sa pangkalahatang operasyon ng QUEZELCO 1, at ang pagpapahusay ng Electric Billing and Collection System upang patuloy na mapabuti ang ating serbisyo sa ating mga MCO, gayundin ang Mga Alituntunin at Pamamaraan sa Pag-uulat upang ganap na umangkop sa batas na ito.

𝐏𝐚𝐝𝐫𝐞 𝐁𝐮𝐫𝐠𝐨𝐬, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟒

Dumalo ngayong araw ang pamunuan ng Quezelco 1 sa regular session ng Sangguniang Bayan sa Padre Burgos, Quezon sa pangunguna ni District Director Dennis Pardito at Area Manager Noreen Glinoga, kasama ang mga kawani mula sa Member Services at Engineering Department Engr. Obadiah Camacho at Engr. Alejandro Altez

Dito ating ibinahagi ang ilang mahalagang impormasyon patungkol sa mga plano at programa ng Kooperatiba kagaya ng isinasagawang konstruksyon ng 15MVA Substation sa bayan ng Agdangan, Quezon. 

Sa pagsisimula ng reconductoring ng linya simula Agdangan hanggang Padre Burgos ay makakaranas ng ilang scheduled power interruption ang mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan at Unisan. Ginagarantiya ng proyektong ito na gaganda ang serbisyo ng kuryente sa tatlong bayan. Dito ibinahagi din natin ang kaalaman patungkol sa manual load dropping at load shedding. (See Quezelco1 – Facebook page for comple details)

For complete details, kindly see Quezelco 1 Official Facebook Page (Quezelco 1 – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. )

Sa isang aktibong hakbang tungo sa pagpapahusay ng pagsasanay ng mga linemen at pagpapabuti ng mga pamantayan sa paghahatid ng serbisyo sa loob ng sektor ng electric cooperative, ang Quezon II Electric Cooperative (QUEZELCO II) workforce na pinamumunuan ni Engr. Vincent Villaruel, TSD Manager, Ms. Charrie Santua, ISD Manager, Ms. Myra Castro, HR/Admin Services Division Chief at G. Richard Rutas, Institutional Auditor, ay nagsagawa ng benchmarking initiative sa pamamagitan ng pagbisita sa Quezon I Electric Cooperative (QUEZELCO I) kahapon, Hulyo 4, 2024.

Ang Quezelco 1, na kilala sa itinatag nitong programa sa pagsasanay
at may karanasang manggagawa tungkol sa Basic Lineman Training Course (BLTC), ay nagpakilala ng mga pinakamahuhusay na kagawian, mga pamamaraan ng pagtuturo, at mga module ng pagsasanay sa pagsasagawa ng BLTC. Noong nakaraang 2022, pinadali ng Quezelco 1 ang BLTC nito na may apatnapu’t limang trainees. 

Sa pulong, ang mga trainer ng Quezelco 1 sa pamumuno ni Engr. Rodersan Ponce, tinalakay ang training course na kinabibilangan ng diskusyon, aktwal na paghahanda at pagsasanay sa BLTC tulad ng pole hauling, hole digging, grounding, pole erection, guying, anchoring, pole climbing and dressing, tensioning, armouring, atbp. Mga talakayan sa pagitan ng dalawang kooperatiba nakipag-usap din sa pinakabagong mga pamantayan sa industriya, mga protocol sa kaligtasan, at mga pagsulong sa teknolohiya na nauugnay sa pagsasanay ng mga
pangunahing linemen.

 

Gas Station

Kasunod ng benchmarking visit, ang QUEZELCO I ay nagpakita ng mga komprehensibong update sa progreso at mga programa ng kooperatiba. Kabilang sa mga proyektong ito ay ang pagtatatag ng karagdagang substation at isang gasolinahan, na parehong naglalayong mapabuti ang pagiging maaasahan ng serbisyo at kapasidad ng pagpapatakbo. Habang patuloy na umuunlad ang dalawang kooperatiba bilang tugon sa mga pagsulong ng teknolohiya at pagbabago ng mga pangangailangan ng mga mamimili, ang pagsasanay sa benchmarking ay nagsisilbing patunay sa kanilang ibinahaging pangako sa paghahatid ng maaasahan, ligtas, at mahusay na serbisyo ng kuryente sa kani-kanilang mga komunidad.

Dumalo ngayong araw ang pamunuan ng Quezelco 1 sa regular session ng Liga ng mga Punong Barangay sa bayan ng Unisan, Quezon sa pangunguna ng ating Acting General Manager Engr. Victor Cada, District Director Dennis Pardito at Area Manager Noreen Glinoga. Kasama sina MS Manager Engr. John-John Pernia at Line Construction Head Engr. Alejandro Altez. Ating ibinahagi ang mga plano at programa ng Kooperatiba kabilang na ang isinasagawang konstruksyon ng 15MVA Substation sa Brgy. Sildora, Agdangan. Dito hiningi natin ang suporta ng mga kapitan para sa mabilis na implementasyon ng proyekto kagaya ng tulong sa paghingi ng right-of-way sa mga may ari ng lupa na tatayuan ng mga bagong poste at linya ng kuryente.

 

Ating hiningi sa kanila ang suporta at assistance sa pagsisimula ng proyekto kung saan ating ipinaliwanag sa pagsisimula nito ay makakaranas ang bayan ng Unisan ng mga scheduled power interruptions. Tiniyak naman natin na sa oras na matapos ang magandang proyektong ito ng Quezelco 1 ay ginagarantiya nito ang magandang serbisyo ng kuryente hindi lamang sa bayan ng Unisan pati na rin sa mga karatig bayan nito ang Padre Burgos at Agdangan.

Nagkaroon ng maayos na talakayan ang pamunuan ng Quezelco 1 at mga punong barangay ng Unisan. Gayundin din ay nag-courtesy call tayo sa butihing Mayor ng Unisan Hon. Ferdinand P. Adulta at ibinahagi sa kanya na tuluy-tuloy na ang pagsasagawa ng proyekto at hinikiya't sila na mag imbita na ng mga business investor sa kanilang bayan sapagkat gaganda na ang serbisyo ng kuryente sa kanilang bayan.

Ang gawaing ito ay bahagi din ng Information Education Campaign (IEC) na layunin na mabigyan ng agarang solusyon ang mga problema at talakayin ang mga plano at programa ng Quezelco 1 para sa ikakasaayos ng serbisyo ng kuryente sa mga member-consumer-owners nito.

Sa unang pagkakataon ay nagsama-sama ang lahat ng mga electric cooperatives mula sa Region IV-A, kabilang dito ang 

  – Batangas 1 Electric Cooperative, Inc. (BATELEC 1)                                          – Batangas II Electric Cooperative, Inc. (BATELEC II)                                      – First Laguna Electric Cooperative, Inc. (FLECO)                                            – Quezon II Electric Cooperative, Inc. (QUEZELCO II)                                        – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. (QUEZELCO 1) 

para sa ginanap na kauna-unahang Sports Fest kahapon June 18, 2024 sa Lipa City, Batangas.

 

Nagtagisan ang bawat kupunan sa Basketball para sa mga kalalakihan, samantalang Volleyball naman sa mga kababaihan. 

Tinanghal na over-all champion ang BATELEC II sa magkaparehong laro. 

Magsisilbing isang magandang alaala ang nangyaring laro na sumasalamin ng pagsisikap, pagkakaisa at tagumpay. Buhay na buhay ang diwa ng palighasan na nagturo sa atin ng kahalagahan ng disiplina at pagtutulungan. Isinapuso ng bawat isa ang mga natutunan sa paligsahan, ang tagumpay ng pagkakataong makilala, maipamalas ang angking galing at ang pinakamahalaga ay ang pagkakaibang nabuo.

by: John Kenneth Villanueva