Q1 CARES

CHARGING UP THE NEXT GENERATION: A School Symposium in Alabat National High School (October 10, 2024)

Naghatid ng mga bagong kaalaman at kasiyahan ang QUEZELCO 1 sa mga mag aaral ng Alabat National High School ng bayan ng Alabat, Quezon noong ika-10 ng Oktubre, 2024. Ito ay dinaluhan ng humigi’t kumulang 130 na mag aaral kasama ang kanilang mga guro. 

Ang symposium na ito ay nagsilbing isang tulay upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng elektrisidad sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng mga nakakaengganyong presentasyon at mga kapaki-pakinabang na impormasyon, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag aaral na malaman ang kasaysayan at mga programa ng kooperatiba. 

Naging tagapagsalita sina Engr. Obadiah Camacho, Ms. Mayrish Sangalang at Mr. Romie Roman Bontoc sa pangunguna ni Dist. Director Alex Angulo at Area Manager Bernadette Trimillos. 

Tampok sa isinagawang symposium ay ang  Question and Answer kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag aaral na ipamalas ang kanilang talino sa pagsagot sa mga katanungan patungkol sa mga paksa na tinalakay. Buong pasasalamat ang ipinahayag ng bumubuo ng Alabat National High School sa pangunguna ng kanilang principal, Dr. Luningning Mendoza, kung saan nagkaroon din ng pagkakataon na mapalalim ang kaalaman patungkol sa elektripikasyon. Sa pagtatapos ng symposium, ang mga mag aaral ay umuwi na may dala-dalang bagong kaalaman at inspirasyon. Ang symposium na ito ay isang malaking hakbang patungo sa pagkamit ng isang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataan ng Alabat, Quezon.

For complete details, kindly see Quezelco 1 Official Facebook Page (Quezelco 1 – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. )

EXPLORING THE WORLD OF ELECTRIC COOPERATIVES: Symposium in Abuyon National High School, San Narcisco, Quezon (September 30, 2024)

Patuloy ang pagsasagawa ng Quezelco 1 ng School Symposium sa mga paaralan na nasasakupan nito. Ngayong araw ay isinagawa ito sa Abuyon National High School, San Narciso Quezon na dinaluhan ng humigit-kumulang 150 na mag-aaral na mula sa Grade 12.

Naging tagapagsalita sina Engr. John-John Z. Pernia at Engr. Obadiah Camacho sa nasabing symposium na tinalakay ang mga mahahalagang impormasyon tulad ng kasaysayan, mga programa at kahalagahan ng elektripikasyon sa mamamayan. Nagbahagi din ng mensahe sa mga mag aaral si Area Manager Brigilda Extrimadura at Dist. Director Deogracias V. Argosino IV na binigyang diin ang kahalagahan ng pag aaral ng mabuti para sa kinabukasan ng mga mag aaral. 

Sa huling parte ng symposium ay nagkaroon ng Question and Answer kung saan masiglang sumagot ang mga mag-aaral sa mga katanungan patungkol sa mga paksa na tinalakay. Pasasalamat ang ipinahayag ng Abuyon NHS sa pangunguna ng kanilang SHS Coordinator Ma’am Teresa Amaro sa isinagawang sympsium na makakatulong sa mga mag-aaral na madagdagan ang kanilang kaalaman patungkol sa mga paksang tinalakay. Layunin ng nasabing symposium na magbigay ng ibayong kaalaman at kamalayan sa mga mag-aaral hinggil sa kooperatiba.

For complete details, kindly see Quezelco 1 Official Facebook Page (Quezelco 1 – Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. )